Uuuuy! Grabe, ang neto!
MECHANICS:
1. BUMUO ng group of 3-5 members (no age limit).
2. PANOORIN ang YouTube video sa itaas at mag-practice ng dance moves!
3. GUMAWA ng creative na video ng inyong sayaw! (Halimbawa: Magsuot ng costume, mag-video sa magandang lugar, atbp.)
4. I-POST ito sa Oyayi Facebook Page with the hashtag: #OyayiDanceChallenge
Maaari kang manalo ng exciting na gift pack mula sa Oyayi TV at chance na maki-sayaw kay Kuya Maki on mall shows! Maki-groove na sa Oyayi Dance Moves!
Deadline of Submission is on December 31, 2016
Dali! Sali na! 😀

Siya ang haring ibon ng Isla Oyayi.
BON HARIBON
Matalas ang paningin at maliksi kumilos. Maporma, magaling sumayaw, pero malimit maaasahan. Hindi umaatras sa kahit anumang pagsubok at gawain.

Isang matalinong pilandok.
DOC
PIL
Siya ang pinakamaliit sa grupo, subalit pinaka-health conscious. Parati niyang dala ang kanyang tampipi na naglalaman ng sari-saring herbal remedies at sorpresa.

Isang kagiliw-giliw na tarsier sa Isla Oyayi.
TARSIERA
Siya ang bunso sa pangkat Oyayi. Makulit, makwento, maalalahanin, masigasig, matampuhin, pero higit sa lahat maalalahanin. Siya ang MATA sa tropa, halos lahat napapansin.

Siya ang leader ng pangkat Oyayi.
KUYA MAKI
Mahilig maki-alam at maki-usyoso. Higit na mahalaga sa kanya ang maki-isa sa mga adbokasiya at adhikain na magpapaganda sa pamumuhay ng mga taga-isla Oyayi.

Siya ang artistahin sa lahat ng Pangkat Oyayi.
DIVA BUTANDING
Mahilig siyang maglakwatsa at mahilig ring kumanta. Hagikgikera. May pagka-tiririt at maselan, pihikan. May taray at medyo atribida. Fashionista kaya ma-burloloy sa katawan.

Isang matipunong tamaraw sa Isla Oyayi.
TAMA
RAW
Medyo mabagal kumilos. Malimit magmarunong kaya madalas napapahamak at nagkakamali-mali. Hindi matatawaran ang pagiging matapat at mapagmahal niyang kaibigan.